Project BREAST - Breast Regular Examination to Attain Successful Treatment - Rotary Club of Quezon City Southwest - Sariling Pagsusuri

Habang Naliligo

breast-self-exam.jpgHigit na madaling masuri ang suso habang kayoy naliligo dahil basa inyong balat.

Gamitin nag kanang kamay upang suriin ang kaliwang suso at ang kaliwang kamay para sa kanang suso.

Paglapatin ang mga daliri ng inyong kamay.

Salatin ang bawat bahagi ng inyong suso sa pamamagitan ng paikot na pagmasahe.

Tingnan kung may nararamdamang bukol, paninigas o pangangapal ng anumang bahagi.

Tumayo sa harap ng salamin na ang inyong mga braso ay nakalagay sa inyong tagiliran.

Suriin ang suso sa anumang pagbabago o may lumalabas sa utong.

Ipatong ang mga kamay sa balakang at idiin nang pababa na nakalabas ang mga siko. Muling gawin ang pagsusuri.

Tingnan kung may anumang pagbabago. 

( ang inyong kanan at kaliwang suso ay maaring magkaroon ng kaunting pagkakaiba.

Ito ay pangkaraniwan. Bihira ang babaeng pantay na pantay ang mga suso.)

Sa pamamagitan ng regular na pagsusuri, malalaman ninyo kung ano ang normal para sa inyo.

 
<< Start < Prev 1 2 3 4 5 6 Next > End >>